Si Alice Dixson ay isang batikang aktres na kilala dahil sa angking kagandahan at galing sa pag-arte. Taong 1987 nang pumasok siya sa pag-aartista na patuloy pa rin niyang ginagawa hanggang sa ngayon. Sa paglipas nga ng panahon, kinamanghaan ng maraming netizens ang tila hindi pagbabago ng itsura ni Alice sa kabilang ng kanyang edad.

Sa edad na 53 ay looking young pa rin ang aktres at hindi nga niya umano ramdam na 53 na ang kanyang edad. Lumipas man ang maraming taon ay napanatili pa rin ni Alice ang kanyang magandang pangangatawan at magandang mukha. Kung ang iba ay nagkakaroon na ng wrinkles sa balat, si Alice ay nanatili pa ring makinis.

Credit: Instagram / alicedixson

Maraming mga netizen at ang kanyang mga tagahanga ay nagtatanong kung ano ang kanyang sikreto upang manatiling looking young sa kabila ng edad. Hindi naman ipinagdamot ng batikang aktres ang kanyang beauty secret at proud niya itong ibinahagi sa lahat.

Bukod nga sa pag-arte ay pinasok na rin ni Alice ang mundo ng vlogging, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang lifestyle. Naging daan rin ito upang maipakita niya sa mga netizens ang kanyang ginagwa sa kanyang sarili upang mapanatili ang kanyang ageless beauty.

Credit: Instagram / alicedixson

Proud na ibinahagi ni Alice na bukod sa aktibong pag-eehersisyo, ay ang isa pang dahilan ng kanyang walang kupas na kagandahan ay ang pagbibilad sa araw tuwing umaga. Ayon sa aktres, ang pagbibilad sa araw ay nakakatulong upang mabigyan siya ng bitamina at mapanatiling makinis ang kanyang balat at magmukhang mas bata tingnan.

“Even if not at the beach, you can get your free dose of vitamin D from the morning. Take advantage of this offer while supplies last!”

Credit: Instagram / alicedixson

Mabuting samantalahin ang init ng araw sa umaga dahil nakapagbibigay ito ng vitamin D na nakakatulong sa buto at mga ngipin. Natutulungan rin nito ang immune system na lumakas, at nakakapagbigay ng glow sa balat ng tao. Ang init ng araw sa umaga ay hindi delikado katulad ng init sa tanghali at hapon, sapat lang ito para makapagbigay ng bitamina sa isang tao.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang mga bagong silang na sanggol ay ibinibilad sa init ng araw tuwing umaga, dahil nakakatulong ito sa kanilang paglaki at nakakapagpalakas ng kanilang resistensya. Kahit hindi ka na sanggol, mabuti pa rin ang init ng araw sa umaga sa anumang edad. Bukod sa mabuti ang dulot nito sa katawan, ito ay libre pa.

Credit: Instagram / alicedixson

“Maganda talaga sikat ng araw sa umaga, nakaka-healthy.”

“Kung yan lang naman ang sikreto, araw-araw na kong magbibilad sa umaga para maging kasing ganda ni Alice.”

“Tamad ako lumabas, pero sige kung nakakabata yan sisipagin na ko sa umaga. Hahaha.”

“Kailangan ko na atang gumising ng maaga araw-araw, haha. Gusto ko rin maging kasing looking young ni Miss Alice.”

Credit: Instagram / alicedixson

“Yan lang pala sikreto, kung ano ano pa skin care ko. Let’s go, sun!”

“Ganda-ganda nyo po, Miss Alice. I agree na nakakabata talaga ang araw sa umaga, lots of vitamins kang makukuha.”

Naging isang inspirasyon si Alice sa mga netizen, lalo na sa mga katulad niyang kahit may edad na ay gusto pa ring mapanatili ang kagandahan. Patunay lamang ito na hindi kailangan maging mahal ang pagpapaganda at pagpapanatili ng kabataan, ang tamang pag-aalaga sa sarili at sikat ng araw ay sapat na.