Si Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ay ikinasal noong February 20, 2020 sa Victory Church, Taguig kung saan ay nagkaroon sila ng Christian ceremony. Ginanap naman ang reception ng wedding sa Shangri-La, The Fort Hotel. Nagsimula ang kanilang relasyon noong taong 2013, na nauwi nga sa kasalan.

Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang kasalan ng dalawa ay isinikreto pala ni Sarah sa kanyang ina na si Mommy Divine, na naging dahilan ng kaguluhan noon. Makalipas ang dalawang taon, sa kabila ng kontrobersyang kinaharap ng mag-asawa ay pinatunayan nila ang tibay ng kanilang pagmamahalan.

Credit: Instagram / markednicdao

Nito lang ay nag-trending ang kanilang photoshoot para sa isang cover ng magazine. Ang nasabing photoshoot na may temang nature ay para sa sikat na magazine na Tatler Philippines. Ibinahagi ng celebrity stylist na si Liz Uy sa kanyang Instagram account ang mga behind the scenes ng mag-asawa, na kung saan ay proud at masaya siya na siya ang nag-ayos sa mga ito.

Credit: Instagram / matteog

Napa-wow ang mga netizens sa mga larawan ng dalawa na tila ay nasa isang fairytale book umano. Si Sarah ay nagmistulang prinsesang nakasakay sa kabayo, habang si Matteo naman ang kanyang prince charming. Mas lalo pang nagpaganda sa photoshoot ay ang naging lokasyon, na makikita kung gaano kaganda ang kapaligiran na berdeng-berde ang kulay.

Credit: Instagram / lizzzuy

“Looking good together! Bagay na bagay.”

“Wooooowwww, parang nasa fairytale lang.”

“Ganda! Para kayong nasa ibang bansa.”

“Pretty couple! Nakakakilig, stay strong!”

“Love the theme! Giving me a haciendera at haciendero vibes!”

Credit: Instagram / markednicdao

Ayon kay Matteo, matagal nang nakaplano ang photoshoot na ito nila ni Sarah, ngunit dahil sa pandemic ay hindi ito natuloy. Umabot ng dalawang taon bago tuluyang nabigyang katotohanan ang matagal ng plano, at hindi naman sila nabigo dahil napakaganda ng naging resulta.

“To this team that made the TATLER Cover come to life, thank you. Actually took us 2 years to finally shoot this beautiful cover with TATLER. Let’s keep loving and protecting our beautiful land!” saad ni Matteo.

Credit: Instagram / markednicdao

Masayang-masaya ang mag-asawa dahil sa wakas ay natuloy na ang kanilang photoshoot together. Ito ang unang beses na magkasama ang dalawa sa isang magazine cover, kaya naman napaka-importante nito sa kanila. Kahit unang pagkakaton pa lang nila na magsama sa isang official photoshoot para sa isang sikat na magazine, ay hindi naman nahirapan ang dalawa. Pinakita nila ang pagiging propesyonal at pagiging kumportable sa isat-isa na may nag-uumapaw na chemistry.

Ang photoshoot na ito ay hindi lang basta pagkilala sa mag-asawa, kundi para pala sa pagsalba ng ating kapaligiran at ng mundo. Ang nature theme photoshoot ay may title na The Sustainability Issue, “Matteo and Sarah Geronimo-Guidicelli share their passion on life together; the future and saving our planet.”

Credit: Instagram / markednicdao

Si Matteo ay kilalang may-ari ng isang farm na kung saan ay investment niya umano para sa kanyang pamilya. Masasabing malapit talaga siya sa kalikasan, kaya naman naging perpekto para sa kanilang mag-asawa ang naging tema ng photoshoot at ang hangarin nito.