Marami ang nag-iisip na ang mga anak mayaman ay hindi nag-aaral ng mabuti o hindi na nagsusumikap na makapagtapos dahil kumportable na sila sa buhay at hindi nila kailangan mahirapan dahil may pera na sila. Ngunit isa sa mga namumukod tangi ay anak ng batikang aktres na si Gretchen Barretto na si Dominique, na nakapagtapos lang naman bilang Magna Cum Laude sa kanyang ikalawang kurso.
Kilala ang mga Barretto sa mundo ng showbiz dahil ang kanilang angkan ay artista na mula pa man noon. Mula sa mga magkakapatid na sina Gretchen, Marjorie at Claudine, hanggang sa kanilang mga anak na sina Julia at Claudia, ang lahat ay aktibo sa showbiz. Ngunit isa sa namumukod tangi ay si Dominique na anak ni Gretchen sa kanyang asawang business tycoon na si Tony Boy Cojuangco.
Masasabing namumukod tangi si Dominique dahil imbes na pumasok sa showbiz industry ay mas pinili niyang mag-aral at magtapos ng dalawang kurso sa kolehiyo. Ang gandang taglay ni Dominique na namana niya sa kanyang ina ay hindi malabong makapasok sa showbiz, ngunit mas pinili nyang mag-aral sa ibang bansa at ipakitang hindi lang siya maganda, kundi matalino rin.
Sa edad na 25 taong gulang ay dalawang international degree na ang kanyang nakuha. Una siyang nagtapos taong 2017 sa kursong Fashion Design sa sikat na Fashion school sa London na Instituto Maragoni. Ngunit hindi nakuntento si Dominique sa kanyang napag-aralan, kaya naman ay kumuha ulit siya ng pangalawang kurso na Associate of Arts in Merchandising and Marketing sa Fashion Institute of Design & Merchandising (FIDM) sa San Francisco, California, at nagtapos lang naman bilang Magna Cum Laude.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Dominique ang kanyang larawan na nakasuot ng itim na toga, kung saan ay ginanap online ang kanyang graduation dahil na rin sa pandemya. Ito ay may caption na “#FIDMGraduation live done. Magna Cum Laude, but fell a little bit short of the Cyril Magnin award.”
Proud na proud namang nagkomento ang kanyang ina na si Gretchen sa kanyang IG post. “Thanks for a lovely breakfast my baby love. Congratulations.”
Hindi man pumasok sa showbiz ang anak ni Gretchen na si Dominique, ipinakita naman nitong higit pa sa ganda ang meron silang mga Barretto. Umani naman ng maraming pagbati si Dominique mula sa ibat-ibang kakilala at kaibigan sa showbiz tulad nila Ria Atayde, Sofia Andres at Laureen Uy.
“Proud of you always!” pagbati ni Ria.
“That’s my Dom!” saad naman ni Sofia.
“Congrats babe,” ani naman ni Laureen.
Pati ang mga netizens ay hindi rin nagpahuli sa pagbati sa achievement ni Dominique:
“Wow, beauty and brain!”
“Congratulations Dominique.”
“Ang galing naman, halatang napalaki ng maayos ng kanyang parents.”
“Maganda na, matalino pa! Congrats Magna Cum Laude.”
Samantala, taong 2017 naman nang mag-debut si Dominique bilang isang fashion designer. Ginamit niya ang kanyang napag-aralan sa Fashion school upang ilunsad ang kanyang kauna-unahang koleksyon ng mga damit na tinawag niyang “La Dona”.
Ayon kay Dominique sa kanyang interview sa Preview.ph ang kanyang koleksyon ay Philippine-inspired. Saad niya, “As cliche as it sounds, I pulled inspiration from the Philippines. With emphasis in the word ‘Inspired’, I wanted my clothing to exude the elegance of Filipina woman without blatantly screaming where I took my inspiration from. I looked at photographs of ‘old’ and ‘new’ Manila for color, using a vivid palette because Filipinos are known for their bright and sunny dispositions.”
0 Comments