Jodi Sta. Maria, Proud na Ibinahagi ang Kanyang Pagtatapos sa Kabila ng Kanyang Edad

Si Jodi Chrissie Garcia Sta. Maria ay isa sa pinakamagaling na aktres sa industriya ng showbiz. Sa edad na 15 taong gulang noong magsimula ang kanyang karera sa pag-arte, nang isang talent scout ang makakita sa kanya sa isang fast food chain habang kumakain, at inalok siyang mag-artista. Hindi naging madali ang pagpasok ng batang Jodi sa showbiz dahil dumaan siya sa maraming audition bago nabigyan ng kauna-unahan niyang role bilang Gretchen sa Youth Oriented television show na Gimik.

Dahil maagang nagsimula ang kanyang karera sa showbiz at naging kabi-kabila ang kanyang mga proyekto, naging dahilan ito upang ipagpaliban ni Jodi ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Mas pinagtuunan ng pansin ng aktres ang pag-arte, at taong 2005 naman ay nagpakasal sya kay Panfilo ‘Pampi’ Lacson Jr. na anak ng senador na si Panfilo Lacson.

Nabiyayaan sila ng isang anak na lalaki na si Thirdy, ngunit taong 2011 ay natapos rin ang kanilang pagsasama. Mas naging abala si Jodi sa kanyang pagiging isang single mom at pagpapatuloy niya bilang isang aktres sa industriya. Matatandaan na mas naging matunog ang pangalan ni Jodi noong ginanapan nya ang karakter ni ‘Maya dela Rosa’ sa teleserye na ‘Be Careful With My Heart’.

Credit: Instagram / jodistamaria

Kahit malayo na ang narating ni Jodi sa showbiz ay hindi niya pa rin nakalimutan ang kanyang pag-aaral, nag enroll sya sa De La Salle University-Dasmarinas sa kursong Medical Biology, ngunit dahil sa kasikatan ng seryeng ‘Be Careful With My Heart’ ay hindi niya ito natapos at pansamantalang huminto. Kalaunan ay bumalik siyang muli sa pag-aaral at desidido nang makapagtapos sa kolehiyo.

Kumuha si Jodi ng kursong BS Psychology sa Southville International School and Colleges noong 2017 upang ipagpatuloy ang kanyang pangarap na maging doctor. Pinagsabay-sabay ni Jodi ang kanyang pagiging single mom, pag-aartista at pag-aaral at lahat iyon ay napagtagumpayan niya nang hindi sumusuko.

Credit: Instagram / jodistamaria

Nito nga lang, taong 2021 sa edad na 38 years old, ay proud na ibinahagi ni Jodi ang kanyang matagumpay na pagtatapos. Sa kabila ng kanyang abalang schedule ay hindi pinabayaan ni Jodi ang kanyang pag-aaral, sa katotohanan ay naparangalan pa nga siyang Dean’s Lister noong 2019. Hindi naman nabigo si Jodi, dahil ang lahat ng kanyang sakripisyo at pagsusumikap ay nagbunga ng maganda.

Credit: Instagram / jodistamaria

“Success comes to those who want it. And sometimes yo have to ask yourself “How much do I want this?” I dreamt of finishing my schooling ever since I entered showbusiness and today, after more than a decade, marks the fulfillment of that dream. After 4 long years, I am here graduating from college,” caption ni Jodi sa kanyang Instagram post.

Credit: Instagram / jodistamaria

Masayang-masaya ang aktres sa kanyang bagong achievement sa buhay. Pinatunayan niyang basta’t determinado ay posible ang lahat. Hindi rin hadlang ang edad upang maipakita ang kakayahan, at hindi pa huli ang lahat para makapagtapos ng kolehiyo.

“In school, whenever I faced a seemingly insurmountable task, I’d always push myself and say “It can be done.” I knew that God was with me all throughout my college life and I kept holding on to his promise that I can do all things through Him who gave me strength and supplied me with more than I needed according to His glorious riches in Christ Jesus. God is always faithful to his word,” dagdag pa ng aktres.

Credit: Instagram / jodistamaria

Nagbigay rin ng pasasalamat si Jodi sa lahat ng taong naniwala at sumuporta sa kanyang pag-aaral. “I share this milestone with everyone who has supported me through the years—my teachers, my family, my management team, my friends. Thank you for letting me reach my stars. To God be all the glory, honor and praise.”


Post a Comment

0 Comments