77 Anyos na Lola, Namamalimos Pa Rin sa Kabila ng 30k na Padala ng Anak Buwan-Buwan

Ang mga lolang senior citizen ay nararapat na nasa bahay na lamang at nagpapahinga. Dahil sa kanilang edad, mahina na ang kanilang katawan at mahirap na para sa kanila ang kumilos. Madali na rin na dapuan sila ng sakit dahil mahina na ang kanilang resistensya, ngunit isang lola na 77-anyos ang pilit na namamalimos sa kabila ng kanyang katandaan, bakit kaya?

Credit: YouTube / Raffy Tulfo In Action

Sa programang Raffy Tulfo In Action, nakilala ang matandang si Lola Dominica Cortez kung saan ay namamalimos siya sa kalsada sa kabila ng kanyang katandaan. Napag-alaman na pinapadalhan naman pala siya ng kanyang anak sa Japan na si Donna Mizuochi ng halagang P30,000 kada buwan, na ikinagulat ng marami.

Kung pinapadalhan siya ng gano’ng kalaking halaga kada buwan, bakit siya namamalimos? Dito natuklasan na ang kapatid pala ni Donna na si Carmelito ay ginagamit ang perang pinapadala niya para sa kanyang ina sa pansarili nitong interes. Imbes kasi na mapunta sa kanyang ina ang P30,000 niyang padala para sa pagkain, gamot at iba pang kailangan nito, ay kinukuha pala ito ng kanyang kapatid at ginagastos sa pambababae, paggamit ng ipinagbabawal na gamot at pinamimigay pa sa iba ang mga groceries na para sa kanyang ina.

Credit: YouTube / Raffy Tulfo In Action

Ayon kay Donna, tanging ang kanyang kapatid lamang na si Carmelito ang kasama ng kanyang ina at naatasang mag-alaga dito habang siya ay nasa Japan. Ngunit imbes na alagaan ang kanilang nanay ay pinabayaan ito ng kanyang kapatid at hinayaang mamalimos sa kalsada. Ang perang kanyang pinapadala ay hindi napapakinabangan ng kanyang ina dahil kinukuha ito ni Carmelito.

Nang malaman umano ng kanyang kapatid na nagsumbong sila sa programang Raffy Tulfo In Action ay agad na itinago ni Carmelito ang kanilang ina. Bukod sa pinabayaan ni Carmelito si Nanay Dominica at kinuha pa nito ang perang para sa kanya, ay napag-alaman rin na sinasaktan nito ang kanilang ina. Ang kawawang matanda ay walang magawa sa tuwing kinukuha ng kanyang anak ang pera dahil mahina na ito at hindi kayang ipaglaban ang sarili.

Credit: YouTube / Raffy Tulfo In Action

Bagama’t nakapangalan naman sa kanyang ina ang perang kanyang pinapadala, sapilitan pa ring kinukuha ng kanyang kapatid ang pera dito. Dahil matanda na ang ina ay wala itong magawa at kung hindi maibigay ang pera ay nanakit ito. Kaya naman, napilitan si Nanay Dominica na mamalimos sa kalsada at manghingi ng pera sa ibang tao para mayroon siyang pangkain at panggastos sa sarili.

Hindi napigilan ng mga netizens ang makaramdam ng awa para kay Nanay Dominica at magalit sa anak nitong si Carmelito. Ayon sa mga netizens ay napakasama daw ng ugali ng kanyang anak at wala itong utang na loob sa kanilang ina.

Credit: YouTube / Raffy Tulfo In Action

“Kawawa naman si Lola. Sana safe siya.”

“Tagos sa puso ang sakit na magkaroon ng ganyang anak na walang konsensya.”

“Nakakalungkot na may mga anak na sinasaktan ang magulang, pa’no nila nagawang saktan ang nanay at nakawan matapos kang buhayin at palakihin.”

“Walang awa, anong kalseng anak yan? Napaka-demonyo!”

“Nakakaiyak naman ito, sobrang sakit nito especially kay Nanay.”

Credit: YouTube / Raffy Tulfo In Action

Samantala, hinangaan naman ni Tulfo at ng mga netizens ang stepbrother ni Donna na si Meltres Cortes dahil sa kabutihan nito para kay Nanay Dominica. Ito kasi ang bumibili ng groceries para kay nanay at tumitingin rin sa kalagayan ng matanda. Kahit hindi siya ang naatasang mag-alaga ay hindi niya pinabayaan ang nakalakihang ina, at nagbigay pa rin ng malasakit dito at hindi pinabayaan.

“Salute sa half-brother, napakabuti mo.”

“Maraming salamat sa half-brother dahil sa malasakit niya kay Nanay.”

“Kahit half-brother lang siya, mas mukha pa siyang buong anak dahil sa kabutihan niya kay Nanay.”

Credit: YouTube / Raffy Tulfo In Action

Sa pag-uusap nina Tulfo at ni Donna, napagdesisyunan nilang dalhin na lamang sa pangangalaga ng Home for the Aged o tahanan para sa mga matatanda si Nanay Dominica para doon siya mas maalagaan. Mas ligtas rin sya doon at malayo sa pananakit ng kanyang kapatid na si Carmelito. Makakasiguro si Donna na ang kanyang mga pinapadala ay mapupuntang lahat sa kanyang nanay.


Post a Comment

0 Comments