Grade 1 Student, Inalis sa Honor Roll ng Principal Dahil Hindi Nakapagbayad ng Tuition

Ang pagiging honor student ng isang anak ay malaking kasiyahan para sa magulang. Tanda ito na nagbunga ng maganda ang kanilang sakripisyo para sa anak at napalaki nila ito ng maayos. Ngunit paano kung malaman mong tinanggal ang iyong anak sa honor roll sa kadahilanang hindi ka nakapagbayad ng tuition? Ano ang magiging reaksyon mo?

Isang Facebook post ang nag-trending kamakailan lamang patungkol sa Grade 1 student na tinanggal sa Honor roll ng Principal ng school na pinapasukan nito. Ang dahilan ng Principal ay dahil hindi umano nakapagbayad ng tuition ang bata kung kaya’t hindi karapat-dapat na mapasama ito sa Honor roll.

Credit: Deposit Photos

Ayon sa Facebook post ni Clen Limpin, hindi umano makatarungan ang ginawa ng Principal sa anak ng kanyang kaibigan. Ito ay malinaw na pagpapahiya sa bata kung saan ay maaaring magbigay ng trauma. Ang pagkukulang ng magulang ay dapat sa magulang sinasabi upang mapag-usapan, at hindi dapat ibinubunton sa batang Grade 1 student pa lamang.

Credit: Facebook / Clen Limpin

Ang principal ng Our Lady of Lourdes sa Novaliches Quezon City na si Ma’am Lou ang tinutukoy na nagpatanggal sa Grade 1 student. Isa pang ikinasasama ng loob ng magulang ay pinagsulat ng principal ng promissory note ang kanyang anak na nagsasabing “I promise to pay my tuition fee tomorrow.”

Mababasa naman sa screenshot na humingi ng paumanhin ang guro ng bata na si Teacher Thea sa nakakalungkot na pangyayari. Ayon sa guro, na-overlook niya umano ang “no permit, no exam policy” dahil awardee na ang bata noon pa man kaya nag-assume itong magiging awardee pa rin ito, at hindi aware sa kulang na 3,000 pesos na tuition.

Credit: Facebook / Clen Limpin

Ikinasasama ng loob ng ina ng bata dahil hindi agad sinabi ng guro ang problema sa kulang na tuition, at umabot pa sa tanggalan ng honor at pagsusulat ng promissory note ng kanyang anak. Dapat daw ay hindi sa kanyang anak ibinunton ang kakulangan nila, dapat ay sila mismo ang kinausap para naayos agad.

“Yung paggawa po ng promissory note ng bata yun po ang di tama sa ginawa kay ***. Itinawag ko na po ito kanina to check and dapat ang parent po ang kinakausap regarding sa unsettled balance at hindi ang estudyante knowing na grade 1 pa lang po si ***” saad ng ina ng bata.

Credit: Facebook / Clen Limpin

Kahit ang mismong guro ng bata ay nalungkot rin sa pangyayari. Ayon kay Teacher Thea ay kilala niya na ang bata noon pa man dahil naging estudyante niya na ito ng halos isang taon. Matalino daw ang bata at totoong kayang makipagsabayan, kaya naman hindi niya rin ginusto na dahil lang sa unsettled balance ay mawawala ito sa honor. Bilang siya ay isang guro lamang ay wala siyang kakayahan na baguhin ang desisyon, at tanging ang Principal lamang ang masusunod.

Credit: Facebook / Clen Limpin

“Actually po medyo naiiyak at kabado na po talaga ko kilala ko po kasi si *** since summer class nahandle ko na siya, and sapat na rin po yung almost 1 year na kasama ko sya para ma-prove yung kakayanan niya. I Know *** na kaya nyang makipagsabayan. Pasensya na po talaga,” saad ni Teacher Thea.

Wala namang galit ang ina sa guro ng bata, hindi niya lang nagustuhan ang ginawa ng mismong Principal ng paaralan sa kanyang anak. Bilang isang magulang, masakit para sa kanya na matanggalan ng honor ang anak at mapahiya dahil pinagsulat ito ng promisory note sa murang edad na maaaring makapagbigay ng trauma sa kanyang anak.

Credit: Facebook / Clen Limpin

Labis ang pagkadismaya ng ina kaya naman napagdesisyunan nitong ilipat ng paaralan ang kanyang anak upang hindi na maulit ang ganung pangyayari. Bilang isang magulang, nakakalungkot na ang pangalawang tahanan na pinili mong pagkatiwalaan para sa iyong anak ay siya mismng nanakit dito.

“And for my friend who’s working her ass off just to provide for her two children. Please always remember that YOU ARE A GOOD MOM! I’ve witnessed all your sacrifices and I’M VERY PROUD OF YOU. You deserve all the praise and this letter does not define you as a parent,” saad ni Clen.

Dagdag nya pa, “AT PARA SAYO PRINCIPAL. HINDI MO DESERVE YANG POSISYON MO DAHIL NAKAKAHIYA KA!”


Post a Comment

0 Comments