Ang wifi o internet ay maituturing na isa sa pinaka-importanteng bagay sa buhay ng tao. Kasing importante na ito ng pagkain at tubig para sa marami, dahil internet ang isa sa pangunahing pinagkukunan ng impormasyon at kasiyahan ng maraming Pinoy. Kaya naman marami ang nagagalit kapag mabagal ang internet o walang internet connection dito sa bansa, katulad na lamang ng lalaking ito.
Nag-viral ang isang video kung saan makikita ang isang lalaki na walang damit pang-itaas, na galit na galit dahil tinanggalan umano sila ng internet connection ng kanilang kapitbahay na pinagkokonekan nila. Hindi napigilan ng lalaki na manggalaiti sa galit dahil sa ginawa umanong kabastusan ng kanilang kapitbahay.
Dahil mahal ang magpakabit ng internet, maraming Pinoy ngayon ang nakikikonek na lamang sa ibang tao na mayroon nito at nakikihati na lamang sa bayad upang mas makamura. Simula nang magkaroon ng pandemya, mas naging mahalaga ang pagkakaroon ng internet sa bawat tahanan, lalo na at nasa online class na ang mga bata at naka-work from home naman ang mga magulang.
Nagalit ang lalaki dahil bigla na lamang sila nawalan ng internet connection, hindi umano sila nasabihan ng kapitabahay ayon sa kanya. Nasa online class umano ang kanyang mga anak kaya hindi niya napigilang magalit sa ginawa ng kapitbahay na pagpapalit ng password ng wifi.
Saad naman ng kapitbahay ay nagsabi umano sila na kailangan muna nilang tanggalin ang internet connection dahil mayroong online interview at training sa call center at kailangan ng malakas na internet. Dahil may kahati sila sa wifi ay mabagal ang internet connection kaya naman natakot ang kapitbahay na baka makasagabal ito sa kanyang online interview.
Ang nasabing pagtanggal ng internet connection ay pansamantala lang sana, ngunit dahil sa nangyari ay tila magiging permanente na ang pagkawala ng internet ng galit na lalaki. Hindi nagustuhan ng may-ari ng wifi ang inasta nito kaya naman hindi na nila pakokonekin ang kapitbahay sa kanilang internet.
Hindi naman napigilan ng mga netizens na magkomento sa video at naki-simpatya sa may-ari ng wifi, at magalit sa kapitbahay nito.
“Ang kapal ng mukha, ikaw na nga lang nakikiconnect ikaw pa galit.”
“Para walang problema Kuya, magpa-connect ka ng sarili mong wifi.”
“Baliktad na talaga mundo ngayon, kayo na nga pinakonek kayo pa galit.”
“Nagbabayad ka ba Kuya? Kung makaasta ka parang ikaw may ari ng wifi nila. Sinasabi na ngang may training yung may ari kaya kailangan ng malakas na internet, hindi ka makaintindi. Gusto mo sila mag-adjust sayo, haha.”
Ang internet ang isa sa kinakaharap na problema ng bansang Pilipinas. Naitala na isa tayo sa may pinakamabagal na intrnet connection sa buong mundo, at dahil na rin sa limitadong internet providers at ang ilan pa ay poor service ang ibinibigay sa mga nagbabayad na consumers.
Sa panahon kung saan moderno at advance na ang lahat, ang pagkakaroon ng mabilis na internet ay napaka-importante. Hangad ng maraming Pilipino na sana ay magkaroon na ang bansa ng mabilis na internet, at dumami pa ang mga internet providers na kayang magbigay ng magandang serbisyo sa mga consumers.
0 Comments