Ang pagiging isang ina ay maituturing na pinakamahirap na trabaho sapagkat hindi biro ang araw-araw na responsibilidad sa pamilya at sa katotohanang wala itong katumbas na sweldo. Ang pag-aalaga nila sa mga anak kasabay ng pagtatrabaho ay labis na sakripisyo, katulad na lamang ng babaeng ito mula sa Russia na pinagsasabay ang pagiging ina at paghahatid ng mga pagkain.
Isang ina mula sa Russia na 19-anyos pa lamang ang pinag-usapan ng mga netizens matapos mag-viral ang kanyang mga larawan na nagdedeliver ng pagkain habang bitbit ang kanyag dalawang anak. Magkahalong awa at pagkamangha ang naramdaman ng mga netizens para sa batang ina na ito, at napatanong kung nasaan ang kanyang asawa at bakit mag-isa niyang ginagawa ang pag-aalaga at pagtatrabaho ng sabay.
Kinilala ang batang ina na si Lada Koroleva, siya ay naninirahan sa malayong syudad ng Russia kasama ang kanyang pamilya. Sa edad na 17-anyos ng una siyang magbuntis at ipanganak ang kanyang panganay na anak, ngunit imbis na tulungan siya ng kanyang partner para sa mga pinansyal nilang pangangailangan ay wala itong ginagawa at nakatambay lamang sa kanilang tahanan.
Napilitan si Lada na magtrabaho bilang isang delivery girl ng isang courier service company dahil hindi maasahan ang kanyang asawa sa pagbabantay ng kanyang anak ay sinasama niya ito sa pagdedeliver habang tulak ang stroller nito. Ang kanyang asawa na imbis na magtrabaho ay naglalaro lamang daw ng video games sa kanilang bahay kaya kahit simpleng pag-aalaga sa kanyang mga anak ay hindi nito magawa.
Hindi nagtagal ay nasundan ang kanyang panganay kaya lalong nahirapan si Lada. Pareho niya ng dinadala ang dalawa niyang paslit na anak sa kanyang pagdedeliver ng pagkain. Mas doble ang paghihirap na kanyang naranasan ngunit kinakaya niya ito at patuloy na lumalaban para sa mga anak.
Hindi biro ang pagdedeliver ng pagkain na may kasamang mga bata lalo na at nagko-commute lamang si Lada. Sumasakay lamang siya ng pampublikong tren o kaya ay naglalakad para mahatid ang mga pagkain. May mga pagkakataon na may mga customer na nagagalit dahil natatagalan siya sa paghahatid dahil hindi maiwasan na umiiyak o nagiging makulit ang kanyang mga anak kaya kailangan niyang huminto at pakalmahin ang mga ito.
Dahil sa kwento ni Lada, maraming netizens ang naantig at nagpahatid sa kanya ng pinansyal na tulong. Ngunit alam ni Lada na pansamantala lamang ito at kailangan niya pa rin makahanap ng mas maayos na trabaho kung saan may mas malaking sweldo at mababantayan niya pa rin ang kanyang mga anak.
“Kawawa naman sila ng mga anak niya, nakakatakot baka may mangyari pang masama sa kanila sa daan. Tapos yung tatay walang kwenta.”
“Kudos. She knows na partly may kasalanan siya dahil maaga siyang nagbuntis pero hindi yun naging dahilan para pabayaan ang mga anak nya, instead kahit mahirap ay nagsusumikap siya.”
“Thankful sa courier company na pinayagan siyang dalhin mga anak niya sa trabaho. At sa mga customer na hindi nagagalit at umiintindi pag nalaman ang sitwasyon niya.”
“Sana may mabuting puso na tumulong sa kanya at bigyan siya ng mas maayos na trabaho, yung nasa iisang lugar lang siya para di na siya mahirapan.”
“Dapat hiwalayan niya na yang tatay ng mga anak niya, dagdag lang yan sa problema. Ang kapal ng mukha mag-anak tas tambay lang. Di man lang nahiya kay girl.”
Sa kabila ng paghihirap at mga sakripisyo ni Lada, masaya pa rin siyang kasama ang kanyang mga anak at hindi ito napapabayaan. Nagpapasalamat rin siya mga taong may mabubuting puso na nagbigay ng tulong sa kanila at umaasang isang araw ay giginhawa rin ang kanilang buhay.
0 Comments