4-Year Old, Sumailalim sa Eye Surgery Matapos Mabulag Dahil sa Sobrang Paggamit ng Cellphone

Sabi nga nila anumang sobra ay nakakasama, katulad na lamang ng batang mula sa Thailand na nasobrahan sa paggamit ng cellphone na naging mitsa ng paglabo ng kanyang mga mata. Hindi inaasahan ng kanyang mga magulang na ang pagpapagamit nila ng cellphone sa kanilang anak ay magiging dahilan para maapektuhan ang mata nito at kalaunan ay dumanas ng operasyon sa mata.

Credit: Facebook / Getty Images

Ayon sa magulang ng bata, sa murang edad na 2-anyos ay pinayagan na nila ang anak na gumamit ng cellphone sa kadahilanang abala sila sa trabaho. Hinayaan nilang magdamag na hawak ng bata araw-araw ang cellphone habang nanunood ng ibat-ibang video at palabas upang hindi ito magkulit at madali alagaan.

Sa panahon ngayon kung saan parehong abala ang mga magulang sa pagtatrabaho at walang kakayanan na kumuha ng tagapag-alaga, isa sa mga solusyon para tahimik at hindi magkulit ang bata ay ang bigyan ito ng cellphone. Ang mga video at palabas na mapapanood sa cellphone gamit ang internet ay nagbibigay aliw sa mga bata kaya naiiwasan ang kanilang pag-iyak at pagkakalat.

Credit: Facebook / EyeTalk

Sa tulong ng cellphone napapakalma ang mga bata, kaya mas madaling makakilos at makapagtrabaho ang mga magulang ng hindi nag-aalala. Ngunit ang sobrang paggamit nito at pagdepende sa cellphone bilang tulong ay hindi maganda ang epekto. Ang sobrang pagbababad sa screen ng cellphone ay nagdudulot ng pagkairita ng mata, pagkatuyo, pangangati, pamumula at kalaunan ay paglabo. At kapag hindi naagapan ay magreresulta ito sa malalang problema katulad na lang ng pagkabulag.

Kalaunan ay napansin ng mga magulang ng bata na may hindi tama sa kalusugan nito ngunit wala silang malay na ang sobang paggamit pala ng cellphone ang dahilan. Noong ikinunsulta nila sa doktor ang kalagayan ng bata ay doon nalaman na malabo na pala ang mata ng bata kaya naman sa edad na 2-anyos ay kailangan na nitong magsuot ng salamin.

Credit: Facebook / EyeTalk

Hindi rin nagtagal ay lalong lumabo ang mata ng bata at nagresulta sa pagkawala ng paningin ng nito. Ikinatakot ng mga magulang ang biglaang pagkabulag nito sa murang edad kaya naman agad itong sumailalim sa operasyon o eye surgery. Sa edad na 4-anyos ang kawawang bata ay inoperahan sa mata upang maibalik ang kanyang paningin.

Makikita sa mga larawan na hindi kumportable ang bata sa kanyang sitwasyon dahil kailangan bendahan ang kanyang mga mata hanggat hindi pa ito gumagaling. Maraming netizens ang hindi napigilang maawa para sa bata at mainis para sa mga pabayang magulang nito.

Credit: Facebook / EyeTalk

“Hala kawawa naman, ang bata bata pa tapos nabulag na.”

“Literal na ‘Ayan kaka-cellphone mo yan’ pero it’s the parents to blame.”

“Dapat kasi kumuha na lang ng mag-aaalaga kung hindi naman pala kaya ng magulang, kung hindi man sana isa sa kanila huminto muna sa trabaho para mag-alaga sa anak.”

“Poor kid, imagine at the age of 2 she already have poor eye sight, then at the age of 4 she undergone surgery already. Parents should take this a lesson.”

Credit: Divorcedmoms

“Kung ayaw nyo mag-alaga ng anak dapat di na kayo nag-anak, dinamay nyo pa yung bata sa kapabayaan nyo.”

“Prayers for the kid for fast recovery. Stay strong kid, you still have a bright future ahead.”

Ang pangyayaring ito ay sana magsilbing aral sa mga magulang ng bata at babala na rin para sa lahat na huwag basta hayaang magbabad ang anak sa cellphone. Mas maganda pa ring bantayan sila sa pamamagitan ng pakikipaglaro o pagtuturo sa kanila.


Post a Comment

0 Comments