Lalaking Nanalo ng $158M sa Lotto, Nagbihis Multo Para Hindi Makilala ng Kamag-anak at Mahingan ng Balato

Maraming tao ang tumataya sa lotto araw-araw dahil nagbabakasakaling swertehin at palarin manalo ng milyones. Marami ang tumatangkilik sa pagtaya dahil sa maliit na halaga ay maaari ka ng maging instant milyonaryo. Ang pagtaya sa lotto ang nagsisilbing pag-asa ng ilan upang makaahon sa hirap at mabago ang kanilang buhay.

Gayunpaman, ang manalo sa lotto ay isang suntok sa buwan dahil sa dami ng tumataya ay napakabihira lang na may manalo dito. Kaya naman sa oras na may manalo sa lotto agad na namamangha ang lahat at naiinggit sa taong nanalo. Kasabay nito ay umaasang maambunan din sila ng biyaya mula sa taong nanalo.

Credit: EWN

Madalas nga sa mga nananalo sa lotto ay tinatago ang kanilang pagkakakilanlan at sinisikreto ang kanilang pagkapanalo upang maiwasan na mahingan sila ng balato, at paraan na rin upang protektahan ang kanilang sarili. Katulad na lamang ng ginawa ng isang mamamayan sa bansang Jamaica na tinago ang kanyang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagsusuot ng costume na multo.

Credit: Facebook / New York Post

Ang nasabing nanalo ay tinago lamang sa pangalan na A. Campbell, hindi tukoy kung siya ba ay babae o isang lalaki. Nanalo siya ng $158.4 million Jamaican dollars o katumbas ng P53,030,907 milyon sa Pilipinas. Ang pagtatago niya ng kanyang pagkakakilanlan ay ginawa niya sa nakakatuwa at matalinong paraan kung saan nga ay nagbihis multo siya at nagsuot ng maskarang multo upang matakpan ang kanyang mukha.

Kinaaliwan ng netizens at staff ng lotto ang kanyang ginawa dahil ito ang unang pagkakataon na may gumawa noon. Sa ginawang ito ni A. Campbell, halata umanong ayaw nitong magbigay ng balato, at bilang proteksyon na rin sa kanyang sarili dahil maaaring gawan siya ng masama kung sino man ang makaaalam na mayroon siyang limpak-limpak na salapi.

Credit: Facebook / New York Post

Ayon sa paglalahad, matapos manalo ni A. Campbell sa lotto, hindi nito agad kinuha ang kanyang premyo sa halip ay naghintay pa ito ng 54 na araw o halos dalawang buwan bago kinuha ang kanyang milyones. Ang dahilan niya ay ayaw niyang makahalata ang kanyang pamilya, mga kaibigan at mga kakilala na siya ay nanalo sa lotto at instant milyonaryo na. Hindi naman umano sa pagdadamot ngunit may maganda umano siyang plano sa kanyang premyo, at ayaw niyang mapunta lang ito sa mga sakim niyang kamag-anak o kung sino man.

Credit: Facebook / New York Post

“I want to get a nice house. I haven’t found it yet, but I’ll be looking for one soon. I like to handle money. I don’t beg, I don’t borrow,” saad ni Campbell.

Dagdag pa niya, “So, I’m looking things that can turn over the money. I have a little business, so I plan to make it bigger, buy a apartment. I love to have money.”

Credit: PhilStar

Kung iisipin kahanga-hanga ang taong ito dahil imbes na ipagmayabang niya ang kanyang panalo sa lotto at pagiging instant milyonaryo, mas pinili niyang maging tahimik at gamitin sa mabuti ang kanyang napanalunan. Imbes na lustayin para sa ibang tao upang ipakitang marami siyang pera, mas nais niyang palakihin ang kanyang negosyo upang mas lumago pa ito dahil ayaw niyang nanghihingi at nanghihiram ng pera mula sa iba.


Post a Comment

0 Comments