Si Richard Edison Uy Yap o mas kilala bilang Richard Yap ay isang aktor at businessman. Pumasok si Richard sa showbiz taong 2010 at gumanap sa ilang mga extra at minor roles ng mga teleserye. Taong 2012 nang mabigyan siya ng big break kung saan gumanap siya bilang Richard Lim o mas sumikat bilang ‘Sir Chief’ sa daytime televison drama na ‘Be Careful With My Heart’ kasama ang aktres na si Jodi Sta. Maria, kung saan ay tumagal ito ng dalawang taon.
Ngunit bago pa man mapunta sa showiz si Richard ay isa lamang siyang simpleng tao na naninirahan sa Cebu City kasama ang kanyang pamilya at nag-aaral. Nag-aral siya sa Sacred Heart School at De La Salle University at nangarap na maging chef lalo na at lumaki siya sa pamilya ng mga cook.
Taong 1993 nang ikasal sila ng kanyang asawa na si Melody Yap at sa kasalukuyan ay mayroong dalawang anak na sina Ashley at Dylan. Kung titingnan tila napakaganda at perpekto ng love story ni Richard at Melody ngunit napakadami pala nilang pinagdaanan bago sila tuluyang ikasal.
Si Richard ay isang pure Chinese at sa kultura ng mga Chinese, mahigpit nilang ipinagbabawal na ikasal sa ibang lahi ang kanilang anak lalo na ang mga pamilyang mahigpit na sumusunod sa tradisyon. Ang Chinese ay para lamang sa Chinese, iyon ang nakalakihang tradisyon ni Richard at ng kanyang pamilya. Ngunit ang tadhana na mismo ang pumili ng kanyang iibigin kaya naman nang makilala niya ang kanyang asawa noon na hindi Chinese ay doon nagsimulang masubok si Richard.
Tutol ang pamilya ni Richard sa kanyang kasintahan noon na si Melody. Si Melody ay pure Filipino at hindi Chinese kaya naman hindi siya gusto ng ama ni Richard para sa anak. Isang araw ay nagdesisyon ang kanyang ama na ipadala siya sa China upang magtrabaho umano, sumunod si Richard dahil buong pag-aakala niya ay gusto lamang ng ama na mapabuti siya.
Kahit malayo sa isat-isa ay ipinagpatuloy ni Richard at Melody ang kanilang pagmamahalan at palagi pa ring nagtatawagan sa telepono. Ngunit nang malaman ni Richard ang totoong dahilan kaya siya ipinadala sa China, ay dahil para mapaghiwalay sila ni Melody, agad umuwi si Richard sa Pilipinas at pinakasalan si Melody.
Nagpakasal muna sila sa isang civil wedding ceremony noong 1993 at nagkaroon ng church wedding taong 1995. Ang pagbali ni Richard sa kanilang tradisyon ay patunay lamang kung gaano katindi ang kanyang pagmamahl para kay Melody. Hindi niya alintana ang pagtutol ng kanyang pamilya, basta makasama lamang ang babaeng kanyang minamahal.
Naisadula at napalabas ang kanilang kwento sa programang ‘Magpakailanman’ at agad na hinangaan ng maraming netizens ang kanilang love story. Ayon sa mga netizens, tila Romeo and Juliet umano ang kanilang kwento ngunit happy ending ang kinalabasan. Bihira lamang daw ang lalaking ipaglalaban ka sa pamilya at hindi isusuko ang pagmamahal kahit baliin pa ang mahigpit na tradisyon.
“Romeo and Juliet ang peg!”
“Wow! lalo akong na-inlove sayo Sir Chief! Napakaswerte sayo ng asawa mo.”
“Sana all! Sa palabas at libro lang ako nakakakilala ng ganitong lalaki, meron pala sa totoong buhay.”
“Ang ganda ng lovestory nyo! Against all odds and dating.”
“Yan ang totoong pagmamahal. Nakakainggit yung ganyang mga love story, ang babaw na kasi ng pagmamahal ngayon kesa noon eh.”
“Sa tindi ng pinagdaanan nyo noon, deserve nyo talaga ang happy life. Bine-bless kayo ni Lord kasi nakita nya kung gaano nyo pinaglaban at kamahal ang isat-isa.”
Patunay lamang si Richard at Melody na hindi hadlang ang lahi at tradisyon basta’t nagmamahalan. Hanggat magkasamang haharapin ang problema, at may tiwala sa pagmamahal ng isat-isa, siguradong mapagtatagumpayan ito.
0 Comments