Si Baron Geisler ay kilalang aktor sa showbiz industry. Mula sa murang edad pa lamang nang magsimula siya sa pag-arte at gumanap ng ibat-ibang role. Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat na marami siyang pinagdaanan sa buhay na naging dahilan ng kanyang pansamantalang pagkawala sa industriya ng showbiz.
Marami mang pagsubok na pinagdaanan, pinatunayan naman ni Baron na kaya niyang magbago. Inayos niya muli ang kanyang sarili at nagbalik-loob sa Panginoon. Hindi naman siya nabigo dahil nagsimula na ulit siyang makatanggap ng mga proyekto sa showbiz at tinanggap na ulit siya ng publiko matapos ang kaliwa’t kanang kontrobersya.
Isa sa mga naging dahilan ng pagbabago ni Baron ay ang kanyang pamilya at ang pangako niya sa kanyang ina na siya ay magbabago bago ito pumanaw noon. Kasama nga sa pagbabagong buhay niya ay pagbabalik niya sa pag-aaral at tuparin ang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.
Taong 2019 ng mapagdesisyunan niyang mag-aral muli. Aminado si Baron sa simula na hindi naging madali sa kanya na pagsabayin ang pag-aaral, ang pagtatrabaho at pagiging padre de pamilya. Ngunit ang kanyang determinasyon at tiwala sa Panginoon ang nagtulak sa kanya na ipagpatuloy ito kahit mahirap.
Noong nakaraang April 25, 2022 ay tuluyan na ngang nakapagtapos si Baron sa kursong Bachelor of Arts in Theology sa All Nations College sa Antipolo City. Sa kanyang Instagram post, masayang ibinahagi ni Baron ang kanyang pagtatapos suot ang kanyang itim na toga at salamin. Mababakas nga sa kanyang mukha ang labis na kasiyahan dahil sa wakas ay nakamit niya na ang pangarap na diploma.
“My journey has reached its goal, and opened a way before me. Thank you Lord!” caption ni Baron sa kanyang Instagram post.
Labis ang kanyang pasasalamat sa mga taong sumuporta at tumulong sa kanya upang makamit ang pagtatapos. Lubos umano ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga guro na sinuportahan siya at tinuruan ng mabuti, at laging iniintindi ang kanyang sitwasyon.
Hindi rin nakalimutan ni Baron na pasalamatan ang Panginoon dahil ito ang dahilan kung bakit hindi siya sumuko at nagpatuloy. Nagpapasalamat umano siya sa lakas at gabay na ibinigay sa kanya habang siya ay nag-aaral. Nakatanggap rin si Baron ng maraming pagbati mula sa kanyang mga kaibigan at kasamahan sa showbiz, at nagpakita ng suporta sa kanyang achievement.
Sa edad na 40 years old, pinatunayan lamang ni Baron na hindi hadlang ang edad upang makamit ang pangarap. Ipinakita niyang kahit sino ay pwedeng bumalik sa kolehiyo at makapagtapos basta’t may determinasyon at dedikasyong baguhin ang takbo ng buhay.
0 Comments