Maraming mga artista noong dekada nobenta ang nagpamangha sa publiko dahil sa kanilang galing sa pag-arte. Ngunit sa paglipas ng panahon ay isa-isa na rin silang nawala sa mundo ng showbiz, at marami ang napapatanong kung nasaan na nga ba sila at anong lagay ng kanilang buhay.
Si Dindo Arroyo ay isa sa pinakasikat na aktor noong dekada nobenta dahil sa galing niya sa pag-arte bilang kontrabida. Maraming manunood ang nainis sa kanyang mga karakter at talaga namang nadala sa kanyang pag-arte kaya hindi nakakapagtaka na gumanap siya sa maraming malalaking pelikula noon na pinagbibidahan nila Fernando Poe Jr at Eddie Garcia.
Bago pasukin ni Dindo ang mundo ng showbiz ay isa lamang siyang simpleng engineering student na naging assistant sa set ng mga tinitingalang artista. Nagsimula ang kanyang karera sa showbiz nang madiskubre siya ng beteranong aktor na si Philip Salvador at tinulungan siya nito na magkaroon ng extra roles.
Dahil sa galing sa pag-arte ay nabigyan siya ng pagkakataon na gumanap sa ibat-ibang kontrabida roles kung saan ay madalas puro pisikalan at aksyon ang kanyang ginagawa. Madami ang humanga sa kanyang galing at kapani-paniwalang pag-arte bilang kontrabida na maski ang mga malalaking aktor ay pinuri siya.
Nagkaroon din ng pagkakataon si Dindo na makatrabaho ang Magic 5 sa industriya ng showbiz na sina Fernando Poe Jr., Philip Salvador, Lito Lapid, Rudy Fernadez, at Bong Revilla. At isa nga sa hindi makakalimutan ng mga manunood noon ay ang kanyang eksenang pagtalon sa helicopter at bumagsak sa umaandar na tren.
Sa kabila ng kanyang kasikatan sa showbiz ay napagdesiyunan ni Dindo na lisanin ito at mamuhay ng simple kasama ang kanyang pamilya. Ngunit taong 2009 naman ay yumao ang kanyang mahal na asawa at naiwan siya kasama ang kanyang anim na anak.
Sinubok muli si Dindo ng buhay nang taong 2014 naman ay magkaroon siya ng malubhang karamdaman sa atay kung saan ay sumailalim siya sa operasyon. Sa kabutihang palad ay naging matagumpay ang operasyon at naging mabuti na ang kanyang kalagayan.
Matapos makarecover ay napagdesisyunan muli ni Dindo na bumalik sa pag-aartista. Ngayong malalaki na ang kanyang mga anak at wala na ang kanyang asawa, naisip nyang bumalik sa pag-arte upang may pagkaabalahan at gawin muli ang dating nagpapasaya sa kanya.
“Idol ko yan na kontrabida, manggigigil ka talaga kapag siya yung nasa palabas e.”
“Magaling yan lalo na pag ang eksena ay barilan at bugbugan, halos kasing-galing rin yan ni FPJ noon.”
“Pag nanunuod ako ng pelikula siya pinaka-kinaiinisan ko dun, ang galing niya kasing kontrabida.”
“Magaling pa rin siya hanggang ngayon, kaya niya parin inisin yung mga nanunuod sa karakter niya.”
Sa kasalukuyan ay makikita na muli siya sa ilang mga palabas sa telebisyon na gumaganap ng ibat-ibang karakter. Hindi man kasing laki at sikat noon, masaya pa rin si Dindo dahil tinaggap muli siya ng publiko at binigyan muli ng oportunidad na umarte.
0 Comments