Kilala si Ivana Alawi bilang isang napakagandang aktres at sikat na vlogger. Sa kabila ng pagiging marangya ng kanilang buhay, hindi umasa si Ivana sa kanyang mana at sa halip ay nagsumikap siyang magtrabaho sa mundo ng showbiz at pagiging vlogger. Isa nga sa naging motibasyon niya upang magsumikap ay upang magkaroon siya ng sarili niyang celebrity van.

Credit: YouTube / Ivana Alawi

Ang celebrity van ay isang customized van kung saan ginagamit ito ng mga artista upang mapadali ang kanilang buhay sa tuwing may byahe papunta sa kanilang shooting o taping. Patok ito ngayon dahil mistula na itong bahay kung saan lahat ng kailangan ng isang tao ay nasa loob na ng van.

Credit: YouTube / Ivana Alawi

Isa nga sa mayroon ng celebrity van ay si Ivana Aawi kung saan nagsumikap umano siyang magtrabaho at mag-ipon upang magkaroon nito. Bumili sya ng Toyota Hiace Super Grandia noong 2018 at para mas lalo itong gumanda at bumagay sa kanyang gusto ay pina-customized niya pa ito kay Atoy Llave ang may ari ng Atoy Customs, isang service center na kilala sa pag-customized ng mga celebrity vans.

Credit: YouTube / Ivana Alawi

Ito ang napiling bilhin ng aktres dahil sakto ito sa kanya at maaari din itong magamit ng kanyang buong pamilya kung sakaling magta-travel sila. Matapos niyang ipa-customized ang kanyang van, tila naging kwarto ng isang presidential suite ang loob nito. Mayroon itong tema na black and cream at kumpleto sa lahat ng gamit na kakailanganin niya sa byahe at sa mga tapings.

Credit: YouTube / Ivana Alawi

Ang kisame ng kanyang van ay tila naging galaxy na puno ng kumukutitap na mga bituin. Tuwang-tuwa si Ivana sa kanyang kisame lalo na at nagbabago ito ng kulay na nagbibigay ng ibat-ibang ambience na nakaka-relax sa kanya. Nagpalagay rin siya ng vanity mirror na kailangan sa pag-aayos ng kanyang sarili.

Mayroon ding dalawang executive chairs na may footrest ang kanyang van, at sofa bed na kanyang ginagawang higaan sa tuwing gusto niya ng matulog at magpahinga mula sa nakakpagod na taping. Napaka-convenient nito sa kanya dahil pwede na siyang matulog kahit nasa byahe pa lang, at di niya na kailangan maghintay pang makauwi bago makapagpahinga.

Credit: YouTube / Ivana Alawi

Doon na rin siya sa loob ng kanyang van kumakain na mayroon ng fully adjustable table at mini cabinet na pinaglalagyan niya ng kanyang mga utensils. Ang kanyang mga snacks naman tulad ng chichirya at mga chocolates ay nakatago sa ilalim ng kanyang sofa bed. Sa dami ng kanyang mga pagkain nagmistula na daw itong sari-sari store pagbibiro ni Ivana.

Credit: YouTube / Ivana Alawi

Hindi rin mawawala sa kanyang van ang pagkakaroon ng TV upang hindi siya maboring sa byahe o sa paghihintay kaya nagpakabit sya ng 24 inch Samsung TV sa likod ng driver seat at mayroon pa itong kasamang Samsung soundbar kaya naman masayang-masaya siyang nanunuod habang nagpapahinga.

Credit: YouTube / Ivana Alawi

At syempre ang pinaka-importante sa lahat ay ang kanyang arenola na ginagamit niya sa pag-ihi sa tuwing ay mahabang byahe at wala silang madaanan na gas station o restaurant. Naaliw ang mga netizens dahil hindi nahiya si Ivana na ipakita ang kanyang asul na arenola sa kabila ng pagiging elegante ng kanyang van.

Credit: YouTube / Ivana Alawi

Binuking naman ng kanyang kapatid na si Hashim na simula umano na makabili si Ivana ng kanyang van ay hindi na ito bumili ng sariling kotse na pang araw-araw. Ayon naman kay Ivana ay hindi niya ugaling gumastos lalo na at kung mayroon naman siyang magagamit. Namana niya umano ang kanyang ugali sa paghawak ng pera at pagiging hindi mamateryal sa kanyang ama, at mas gusto niyang tumulong sa kapwa kesa gumastos ng sobra sa mga materyal na bagay.