Kapag sinabing bisikleta, isa sa unang papasok sa ating mga isipan ay ang moderno nitong disenyo na gawa sa bakal. May ibat-ibang uri ng bisikleta na ginagamit sa pang-araw-araw o kaya sa sports na talaga namang patok sa maraming tao. Ngunit sino ang mag-aakala na pwede palang gawa sa kahoy ang bisikleta at mayroon pang nakakamanghang disenyo na nagpapakita ng pagkamalikhain ng mga gumawa niyo?
Kilala ang mga Pilipino sa pagiging malikhain at pagkakaroon ng talento sa pagguhit at pag-ukit. Ang talentong ito ay ginamit lang naman ng tribung Aborigine upang makagawa ng kakaibang bisikleta. Ipinamalas ng tribung Aborigne o mas kilala bilang Igorot-Garonne ang kanilang galing sa disenyo at pag-ukit, kung saan umani sila ng atensyon sa mga netizens.
Gumawa sila ng bisikleta gamit ang inukit na kahoy na may disenyong dragon, leon, usa at ibat-ibang klase ng hayop na makikita sa kagubatan. Sino ang mag-aakala na posible palang makagawa ng bisikleta gamit lang ang pag-ukit at nabigyan pa ito ng kamangha-manghang disenyo? Hindi lang ito basta simpleng disenyo dahil makikita ang napakagandang detalye ng kanilang inukit. Hindi rin ito palamuti o pang-display lamang dahil ginagamit ito ng tribu sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Nagsimulang mag-viral ang gawang bisikleta ng tribung Aborigine ng makuhanan sila ng Japanese photographer na si Mr. Richard Haw. Agad na namangha si Richard ng makita ang mga bisikletang may disenyong dragon at leon kaya naman agad niya itong kinuhanan ng litrato kung saan sakay ang mga tribung Aborigine suot ang kanilang tradisyonal na kasuotang bahag.
“I was walking to my truck in the town when we were treated to the spectacle and it just so happens that I had my camera on hand and snapped the cowboy inspired scooter zooming downhill. Owning a motorcycle is considered a status symbol for people of humble background. Since most of them really earn enough to afford the real thing they would just make imitations of scooters by whatever means they have,” pahayag ni Richard sa kanyang post na mga larawan.
Ang nasabing bisikleta ay tila hango sa motorcycle scooter na madalas makita sa mga hollywood movies. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang presyo noon ay napakamahal, kaya naman gumawa na lamang ang tribung Aborigine ng katulad na itsura gamit ang kanilang talento sa pag-ukit. Hindi rin magastos sa gasolina ang kanilang likhang bisikleta, dahil wala itong pedal at hindi pinapaandar ng anumang makina, kundi gamit lang ang kanilang mga paa.
Bukod sa ginagamit ito sa pang-araw-araw ng tribu, ginawa rin nilang kasiyahan ang kanilang mga gawang bisikleta. Nagkaroon sila ng paligsahan ng karera nito at umaabot lang naman sa higit kumulang 25mph ang bilis ng mga ito. Sa tulong ng kanilang mga hita at paa ay napaandar nila ang gawang bisiketa kahit saan man nila gustuhin nang walang anumang aksidenteng nangyayari.
“I have not heard of any fatalities or accidents while people have been using the bikes, but looking at their legs you can see deep scars and can imagine that it might have come from this,” dagdag na saad ni Richard.
Dagdag na saad pa ng misis ni Richard na si Elaine, tila ang karera gamit ang bisikleta ay nagsilbing daan upang maipakita ang kanilang talento sa mga tao. Ang pag-ukit ay hindi birong talento kaya naman marapat lamang na ipagmalaki ito ng tribung Aborigine sa lahat.
“When they race through the town, it is chance to show off their scooters which is a source of pride for the carver,” saad ni Elaine.
Ipinakita ng tribung Aborigne na hindi hadlang ang kanilang kahirapan upang maipakita ang kanilang talento sa disenyo at pag-ukit. Tunay na kamangha-mangha ang kanilang galing at nawa’y mabigyan pa ito ng lubos na atensyon at makatulong sa kanilang buhay.
0 Comments