Isa sa ‘pinaka’ kilalang personalidad dito sa bansa ay si Willie Revillame o mas kilala bilang ‘Kuya Wil’ dahil sa tagal niya sa industriya ng showbiz bilang isang host. Bukod sa kanyang pagiging host, nakilala at minahal rin siya ng maraming netizens dahil sa taglay niyang kabutihan, kung saan maraming kababayan natin ang kanyang tinutulungan at inaabutan ng tulong pinansyal.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang pagkakaroon ng marangyang buhay ni Kuya Wil. Hindi naman ito nakakapagtaka dahil na rin sa tagal niyang TV host at pagkakaroon rin ng ilang mga negosyo. Sa kabila nga ng pagiging marangya ay hindi nakalimutan ni Kuya Wil ang maging mapagkumbaba at tumulong sa kanyang kapwa—sa tulong ng kanyang mga TV shows tulad na lang ng Wowowin kaya gusto siya ng nakararami.
Subalit nito lang Pebrero 2022 ay tuluyan na ngang namaalam ang programang Wowowin matapos ang pitong taon nitong pagpapasaya sa telebisyon at pagtulong sa marami. Nakakalungkot man ngunit natapos na ang kontrata ni Kuya Wil sa GMA Network kaya kailangan nang itigil ang programa. Gayunpaman, alam ng nakararami na kahit wala na ang programa ay patuloy pa rin ang pagtulong niya sa mga Pilipino.
Hindi lang pala galante si Kuya Wil pagdating sa pagbibigay ng tulong at regalo sa ibang tao, kundi galante rin siya sa kanyang sarili. Noon ngang nagdiwang siya ng kanyang ika-60 na kaarawan ay niregaluhan niya lang naman ang kanyang sarili ng helicopeter. Hindi basta kotse, kundi kotseng pamhimpapawid.
Ang regalo niyang ito sa sarili ay kanyang ipinakita sa publiko kaya naman hindi napigilan ng mga netizens ang mapa-wow at mapa-sana all. Hindi biro ang presyo ng isang helicopter at talaga namang napakamahal nito, kaya nakakamangha talaga na makakilala ng isang tao na kayang bumili ng ganitong klaseng bagay bilang regalo sa sarili.
Kung ang iba ay nireregaluhan ang sarili ng sapatos, damit at pagkain, iba si Kuya Wil. Dahil imbes na maliit na kahon ang kanyang binuksan ay napakalaking kahon lang naman ang binuksan niya, na naglalaman ng isang brand new na helicopter. Unboxing to the next level, ika nga ng maraming netizens.
Marami namang netizens ang bumati kay Kuya Wil sa kanyang kaarawan at nagsabing deserve niyang bilhan ang kanyang sarili ng helicopter. Wala naman daw masama sa pagbili ng ganun kamahal na sasakyan dahil sarili niya itong pera at dahil na rin mabuti siyang tao kaya’t biniyayaan siya ng Panginoon.
“Happy birthday Kuya Wil! Deserve nyo po yan.”
“Wow! Kailan kaya ako mag-a-unbox ng helicopter? Puro Shopee orders lang kasi ang ina-unbox ko eh. Haha!”
“Sana all! Kuya Wil pasakay naman po sa helicopter nyo.”
“Pag mabuti ka talagang tao lagi kang ibe-bless ni Lord. Happy birthday po Kuya Wil.”
“Unboxing to the next level! Maligayang kaarawan po Kuya Wil, more bdays to come po.”
Saad naman ni Kuya Wil, ang helicopter na regalo niya sa sarili ay hindi lang basta pansariling gamit, kundi gagamitin niya rin ito para makatulong sa ibang tao. Para sa kaalaman ng marami, ilang beses ng pinapahiram ni Kuya Wil ang kanyang mga helicopter upang magamit sa mga search and rescue tuwing may nagyayaring sakuna, kaya naman ang kanyang bagong helicopter ay paniguradong magagamit rin sa mabuti.
0 Comments