Ang pagiging kasambahay ay hindi birong trabaho dahil ito ay all-around na gawain na nangangailangan ng tibay ng loob at mahabang pasensya. Bukod sa mahirap ito na trabaho, hindi rin maiiwasan na mapunta sa mapang-abusong amo na nagiging dahilan ng pag-alis. Ngunit ibahin nyo ang mga kasambahay ng mag-asawang Mariel at Robin Padilla kung saan hindi lang sila basta kasambahay, kundi itinuring na silang pamilya.
Ipinagmalaki nga ni Mariel Rodriguez-Padilla ang maganda nilang relasyon sa kanilang mga kasambahay kung saan ay tinatrato nila ito ng mabuti at binibigyan pa ng mga benepisyo na wala sa ibang mga amo. Hindi lamang ang mga kasambahay ang swerte sa kanila, kundi sila mismo ay swerte sa mga ito.
Ayon kay Mariel, swerte ang kanilang pamilya dahil nakatagpo sila ng mga kasambahay na mapagkakatiwalaan, masisipag at mabubuti. Bilang ganti ay itinuturing nila ang mga ito bilang pamilya at inaalagaan rin na may kasamang ibat-ibang benepisyo. Sa tagal ng mga ito na naninilbihan para sa kanilang pamilya, nararapat lamang ang mabuting pagtrato sa mga ito.
Kwento ni Mariel, mayroon silang pitong kasambahay kung saan ay ilang taon na sa kanilang pamilya. Sa katunayan, ang kanyang driver ay naninilbihan na sa kanya simula pa noong siya ay nasa second year high school. Maski ang mga yaya ng kanyang mga anak na dapat ay pang ilang taon lamang ay patuloy pa ring naninilbihan para sa kanila. Personal umanong kahilingan ng kanyang mga anak na panatilihan ang kanilang yaya dahil gusto nila itong makasama pa hanggang sa paglaki.
Bukod nga sa magandang trato at benepisyo ay nakakatanggap rin ang kanyang mga kasambahay ng regalo sa tuwing may okasyon. Matatandaan pa nga na niregaluhan ni Robin ang mga kasambahay ng sarili nitong mga bahay noong taong 2020 bilang pasasalamat sa matagal nilang paninilbihan sa pamilya.
Hindi lamang ang pamilya ni Mariel ang kumportable sa kanilang mga kasambahay, kundi pati rin ang kanilang mga kamag-anak. Nito nga lang, ang ilan sa kanilang mga kasambahay ay nagkaroon ng pagkakataon na makapagbakasyon kasama nila sa Spain. Nakasama rin nila ang mga ito sa kanilang bakasyon sa Europa at America.
Maraming netizens naman ang nagpahayag ng pagkamangha sa kabutihan ng kanilang pamilya, may mga nagbiro pa nga na sana ay kunin din silang kasambahay ni Mariel. Hindi kasi maipagkakaila na talagang napakaswerte ng kanilang mga kasambahay sa pamilya nina Mariel at Robin.
“Wow, napakabuti ng pamilya nyo Mariel that’s why palagi kayong bini-bless.”
“Gusto ko na lang din maging kasambahay nila Mariel. Baka po hiring kayo kunin nyo na po ako, haha.”
“Mapapa-sana all ka na lang talaga. They are both lucky to each other, sinuklian lamang nila Mariel yung kabutihan ng kanilang mga empleyado.”
“Sana lahat ng amo ganyan kabait. Ang daming benepisyo tapos tinuturing ka pang pamilya.”
“Kung ganyan naman kabait employer ko, di talaga ako aalis siguradong magtatagal ako.”
Ang mag-asawang Mariel at Robin Padilla ay magandang halimbawa para sa lahat ng employer. Ipinakita lamang nila ang dapat na pakikitungo sa mga taong nagsisilbi sa kanila at nararapat lamang na suklian nila ng kabutihan ang mga sakripisyo nito.
0 Comments